Skip to main content

Educational Frontliner

May mga umagang 'di ako nagkakape
Walang init na gumuguhit sa lalamunan
Tutungo sa banyo, may alampay na tuwalya
Ang isip ay tila saranggolang walang pisi
Hanggang matapos
Nagpatuyo.
Nagbihis.
Nag-ayos.
Pipilitin ang mukhang maging handa
Papantayin ang kilay
Kukulayan ang mga labi
Tapos ngingiti.
Hahanapin ang selpon 
Ihahanda ang laptop
Babatak muli sa paghubog 
Babagtasin ang mga kalsada ng internet
Tutusok muli ng mga isipang hilaw pa sa mundo
Magpapaka-paos
Magpapaka-pawis
Magpapaka-pagod
Magpapaka-dalubhasa
Bibihisan ang mga hubad na isipan
Pakikilusin ang mga tinatamad pang mga kamay
Pupukawin ang mga mapanuklas na mata
Hahayaan silang maglaro sa kalawakan ng kanilang imahinasyon
Tiya-tiyagain ang aandap-andap na koneksyon
Higit sa lahat
Susuungin ang maghapon
Makikibaka sa init at ingay 
Ng sabay-sabay na tanong
Ng sunud sunod na sumbong
Ng lahat ng elemento
Na siyang bumubuo ng aking araw
Ng aking buwan
Ng aking taon
Ng aking buhay
Ng buo kong buhay
Ito ang aking sumpa 
Sumpa na tulad ng kapeng di ko mainom sa umaga
Mga nakasanayang di na magagawa pa
Kasabik-sabik. Humahagod.
Bumabatak. Bumabaon.
Tumutusok. Tumitimo.
Kabitaw-bitaw ma'y
Gawain pa ring may puso.

Comments

Popular posts from this blog

Love comes in small batches

Love comes in small batches of torn, crumpled papers stained with perseverance and midnight breakdowns Love comes in heavy bundles of endless calls for survival in a cutthroat jungle dressed as fondly romance Love comes in empty halls that keep the years and filled with unfillable spots donning its own light Love comes in crowded rooms through some piercing looks and warm breaths dictating the atmosphere (or utmost fear) Love comes in a cup of coffee that stirs the tranquility of a holiday morning until the last drop drips off from your second cup

a stellar deception

The stars that you see are dead The sky you stare at does not lie Your eyes see the light's sparkle But not the years it travelled by You wish and hope for music You long for some sweet melody "The song needs your poetry" That is what was told to me But The song needs words I cannot weave My poetry is not the sword To the shield of your melody The stars do not shine at all And oceans do not have a line I could just write you a poem But I can never write you a song (Because suspicions and doubts always thrive on the surface)