May mga umagang 'di ako nagkakape Walang init na gumuguhit sa lalamunan Tutungo sa banyo, may alampay na tuwalya Ang isip ay tila saranggolang walang pisi Hanggang matapos Nagpatuyo. Nagbihis. Nag-ayos. Pipilitin ang mukhang maging handa Papantayin ang kilay Kukulayan ang mga labi Tapos ngingiti. Hahanapin ang selpon Ihahanda ang laptop Babatak muli sa paghubog Babagtasin ang mga kalsada ng internet Tutusok muli ng mga isipang hilaw pa sa mundo Magpapaka-paos Magpapaka-pawis Magpapaka-pagod Magpapaka-dalubhasa Bibihisan ang mga hubad na isipan Pakikilusin ang mga tinatamad pang mga kamay Pupukawin ang mga mapanuklas na mata Hahayaan silang maglaro sa kalawakan ng kanilang imahinasyon Tiya-tiyagain ang aandap-andap na koneksyon Higit sa lahat Susuungin ang maghapon Makikibaka sa init at ingay Ng sabay-sabay na tanong Ng sunud sunod na sumbong Ng lahat ng elemento Na siyang bumubuo ng aking araw Ng aking buwan Ng aking taon Ng aking buhay Ng buo kong buhay Ito ang aking ...
Scribbles from occasional daydreamings