Umakyat akong may isang tanong
Sa Ulap ba'y may pag-ibig na makasasalubong?
May saysay ba ang bawat hakbang
Sa mga dalisdis mong sinusubok
Ang aking hangganan?
Naglakbay akong kimkim ang isang panalangin
Na sa Ulap nawa'y may pag-ibig na marating
Hinanap ko ito sa mga luntian mong balat
Sinipat ko ito sa iyong mga siwang at mga lamat
Sinikap kong akyatin ang mga moog mong bato
Niyakap ko nang mariin ang araw
Hinagkan ko ang mga luha ng hamog
Naki-indak sa saliw ng marahan mong ulan
At ang hangganan mo ang aking tanglaw
Ngunit nasaan ang pag-ibig na laman daw ng iyong kalupaan?
Nasaan ang pangako ng iyong kariktan?
Kung wala palang pag-ibig sa Ulap
Saan kaya ito matatagpuan?
Ngunit nagpatuloy ang aking krusada
Sa pagpanaog ay may pagbati mula sa mga paruparo
Sa pag-akyat nama'y umaawit ang mga ibon
May himig din sa mga halik ng hangin
At ang puso ko'y pumipintig nang matulin
Saan nga ba sa daigdig ang pag-ibig
Kung hindi sa ulap ito mararating?
Matapos ang paglalakbay at ang katawa'y hapo sa maghapong lakad
Sa dulo ay may mga bulaklak na namumukadkad
At ang puso ko'y may ligayang tangan
Marahil wala sa Ulap ang pag-ibig
Hindi ito isang bagay na nakakalat lamang sa daigdig
Matagal ko na itong hawak
At hindi kailangang hanapin
Kasama ko itong umakyat
At kasabay ko ding babalik
(A poem inspired by my Mt. Ulap Trek with the Tarlac Outdoor Club)

Comments
Post a Comment
Any message?