Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2022

The wishings of a wanderer

I search where the salty breeze is coming And it always pulls me back on my shoulders   With the force of a wave Now... Its delight has me yearning Always But its curse, just like the sea, is timeless   I search where the dusty road is leading And it always gets my heart in a tremble With the sound of the drum Before... Its sight had me wishing Everyday But now, the horizon is far from reach   I search for how my soul is feeling And it keeps me on edge of wonder With the will to drive Beyond The far north, the shining east In the cold south, feel the autumn breeze Soon, not now I yearn to conquer What my heart wishes to wander (A poem that I submitted to and was posted on Lavender Poet's Official Facebook Account)

Educational Frontliner

May mga umagang 'di ako nagkakape Walang init na gumuguhit sa lalamunan Tutungo sa banyo, may alampay na tuwalya Ang isip ay tila saranggolang walang pisi Hanggang matapos Nagpatuyo. Nagbihis. Nag-ayos. Pipilitin ang mukhang maging handa Papantayin ang kilay Kukulayan ang mga labi Tapos ngingiti. Hahanapin ang selpon  Ihahanda ang laptop Babatak muli sa paghubog  Babagtasin ang mga kalsada ng internet Tutusok muli ng mga isipang hilaw pa sa mundo Magpapaka-paos Magpapaka-pawis Magpapaka-pagod Magpapaka-dalubhasa Bibihisan ang mga hubad na isipan Pakikilusin ang mga tinatamad pang mga kamay Pupukawin ang mga mapanuklas na mata Hahayaan silang maglaro sa kalawakan ng kanilang imahinasyon Tiya-tiyagain ang aandap-andap na koneksyon Higit sa lahat Susuungin ang maghapon Makikibaka sa init at ingay  Ng sabay-sabay na tanong Ng sunud sunod na sumbong Ng lahat ng elemento Na siyang bumubuo ng aking araw Ng aking buwan Ng aking taon Ng aking buhay Ng buo kong buhay Ito ang aking ...

Caffeine Holiday

How many cups of coffee did you have today?  I had 3.  The first cup regards the weather Of morning commutes and things to ponder A day of inquiries and piles of paper Taking up some space and breathing after  The second cup has a strong taste Like a friend's face that holds up a tear An afternoon of task lists and haste Moving forward and still, breathing after  The third cup is a dreamy cosmos Of collecting stars and earning scores The blend rings a reminder of tomorrow Breathing still and palpitating more  And if the dark sky makes the night cold Another cup, another story must unfold I'll ask "How many cups of coffee did you have today?" I mean, "How do you gauge your day?"

Time's an old friend

I took the Time  Like a thief in my own house I snatched a cup of coffee and drowned in caffeine as I murdered my eyes with short snips of my beloved animes  and random video clips in between gulps and sips I stole seconds and minutes fidgeting stories, hauling gossip Then, emptying my thoughts and like a calm ride on a ferries wheel  or a merry go-'round I go switching pages and posts then, I crossed borders  from one site to another I laughed and sympathized scrolled and clicked yes, I chose to take Time and I took it today like a crime, I planned to plot like the prize I longed to have like that complacent smile my face forgot to make wrapped it around my shoulder like a warm blanket with its seams dripping on the floor (I don't care anymore) I just took it.  but time had taken me  ... away like the pollens of a thousand flowers like an asteroid pulled away from the belt So far I left everything that fills "my present" I wandered far and welcomed the pre...

May Pag-ibig ba sa Ulap?

Umakyat akong may isang tanong Sa Ulap ba'y may pag-ibig na makasasalubong? May saysay ba ang bawat hakbang  Sa mga dalisdis mong sinusubok  Ang aking hangganan? Naglakbay akong kimkim ang isang panalangin Na sa Ulap nawa'y may pag-ibig na marating  Hinanap ko ito sa mga luntian mong balat Sinipat ko ito sa iyong mga siwang at mga lamat Sinikap kong akyatin ang mga moog mong bato Niyakap ko nang mariin ang araw Hinagkan ko ang mga luha ng hamog Naki-indak sa saliw ng marahan mong ulan At ang hangganan mo ang aking tanglaw Ngunit nasaan ang pag-ibig na laman daw ng iyong kalupaan? Nasaan ang pangako ng iyong kariktan? Kung wala palang pag-ibig sa Ulap Saan kaya ito matatagpuan? Ngunit nagpatuloy ang aking krusada Sa pagpanaog ay may pagbati mula sa mga paruparo Sa pag-akyat nama'y umaawit ang mga ibon May himig din sa mga halik ng hangin At ang puso ko'y pumipintig nang matulin Saan nga ba sa daigdig ang pag-ibig Kung hindi sa ulap ito mararating? Matapos ang paglalakbay...